Naniniwala si Senator Jinggoy Estrada na mahalaga ang pagkakatalaga kay Secretary Gibo Teodoro sa Department of National Defense (DND).
Ayon kay Estrada, ang pagkakaroon ng permanenteng kalihim sa DND ay magtitiyak ng continuity, stability, expertise, pagiging epektibo ng koordinasyon, pagpapatupad ng mga polisiya, accountability at representasyon sa mga usapin tungkol sa defense at security.
Malaki aniya ang maiaambag nito sa pagiging epektibo ng defense sector ng bansa partikular sa pagbabantay sa ating seguridad.
Aniya pa, si Teodoro bilang ikatlong sibilyan na naitalagang permanent DND chief, tiwala siyang isa ito sa may pinakamahusay na credentials dagdag pa rito ang kanyang karanasan sa paghawak ng posisyong may kaugnayan sa kumplikado at long-term security issues.
Inaasahan ni Estrada na ang karanasan at kasanayan ni Teodoro noon sa defense matters ay makapagtitiyak ng maayos na pagdedesisyon at epektibong pangangasiwa sa mga defense affairs, partikular sa mga hamon sa seguridad ng Pilipinas.