Welcome para kay PDEA Director-General Aaron Aquino ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay VP Leni Robredo bilang co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs.
Ayon kay Aquino, kung tatanggapin ni VP Leni ang naturang assignment ay nakahanda silang makipagtulungan dito at 100 percent na ibibigay ng ahensiya ang suporta.
Ani Aquino, nakikita niya na magiging epektibo si Robredo sa advocacy cluster o kaya ay sa rehabilitation cluster ng ICAD.
Sa ngayon Ayon sa PDEA Chief ay hindi gaanong mapapangasiwaan ang rehabilitation at reintegration component ng anti drug campaign.
Inihalimbawa niya ang ilang Bahay Pag-Asa units na hindi gaanong natutukan.
Taliwas naman ito sa naunang pahayag NG PDEA na mabibigo si Robredo kung siya ay maging drug czar.
Magugunita na hinamon ng Pangulo si Robredo na maging drug czar sa loob ng anim na buwan kasunod ng mga pahayag nito na bigo ang war on drugs.