Pagkakatalaga kay VP Sara Duterte sa NTF-ELCAC, makakapigil sa pagre-recruit ng mga makakaliwang grupo sa mga estudyante – senador

Naniniwala si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na makakatulong ang pagtatalaga kay Vice President Sara Duterte bilang co-vice chairman ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para sa pagsawata ng recruitment ng mga kabataan sa makakaliwang grupo.

Ayon kay Bato, ‘good development’ ang paglalagay kay VP Duterte sa NTF-ELCAC lalo pa’t karaniwang ang mga nare-recruit ng mga makakaliwang grupo ay mga senior high schools na saklaw ng Department of Education (DepEd) na pinangangasiwaan din ng bise presidente.

Kumpyansa rin si Dela Rosa kay VP Duterte na bilang co-vice chair ng NTF ELCAC ay malaking tulong ang opisyal sa ahensya.


Handa naman ang senador na tumulong o magbigay ng advice sa NTF-ELCAC kung kakailanganin ni VP Sara.

Suportado rin ni Senator Imee Marcos ang pagkakatalaga kay VP Duterte sa NTF-ELCAC lalo pa’t maipagpapatuloy niya ang naging programa ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Tiwala si Sen. Marcos na malaking tulong ang bise presidente sa pagresolba sa isyu ng implementasyon ng NTF-ELCAC sa mga Local Government Units (LGUs) partikular sa bidding ng mga proyekto ng ahensya at direktang pakikipagugnayan sa mga lokal na pamahalaan.

Facebook Comments