Lusot na sa Commission on Appointments (CA) ang pagkakatalaga kina George Garcia bilang Commission on Elections (Comelec) chairman at Karlo Nograles bilang chairman ng Civil Service Commission (CSC).
Sa isinagawang pagdinig ng CA kahapon, sinuportahan nina Senator Cynthia Villar, Grace Poe at Loren Legarda ang kumprimasyon nina Garcia at Nograles.
Para kay Poe, si Garcia ang nagbigay-daan sa kaniya upang mabigyan ng karapatan na makakuha ng pwesto sa public officer sa kabila ng pagkwestiyon sa kaniyang nationality.
Nangako naman si Garcia na tututukan nang maigi ang pag-review panukalang bagong bersyon ng Election Code.
Naniniwala naman sina Villar at Legarda na taglay ni Nograles ang mga kaukulang skills tulad ng legal at human resources upang pamunuan ang CSC at ma-review ang mga polisiya nito para sa pagpasok ng bansa sa new normal.
Handa naman si Nograles na gabayan ang ahensya patungo sa mas epektibong transaction gamit ang digitalization ng sistema at proseso sa CSC.
Mananatili ang mga naturang opisyal sa pwesto hanggang February 2, 2029.