Pagkakatalaga ng Facebook sa Rappler bilang fact checker, pinuna ng Palasyo

Manila, Philippines – Kinwestiyon ngayon ng Palasyo ng Malacañang ang pagkakatalaga ng Facebook sa Rappler bilang fact checker o siyang naatasan na ituro ang mga artikulo na lumalabas sa naturang social media platform na hindi naglalaman ng katotohanan o mapanlinlang na artikulo.

Ito ang sinabi ng Malacañang sa harp narin ng issue na lumabas ngayon sa pagitan ng Rappler at ng isa pang online news organization na Politico.com kung saan ay sinasabi ng Politiko na mali ang ginawang pagtawag ng Rappler sa isa nilang artikulo na Fake News.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, ironic o nakapagtataka na pinili ng Facebook ang Rappler bilang fact checker gayong ito mismo ay kilalang nagpapakalat ng mga Fake News at malinaw na mayorya kung hindi lahat ng artikulo ng lumalabas dito ay mga kumokontra sa mga polisiya ng administrasyon.


Pero naniniwala din naman si Panelo na sa bandang huli, netizens parin naman ang magdedesisyon kung paniniwalaan o hindi ang isang artikulo dahil mas maalam na ngayon ang publiko sa mga issue na umiikot sa bansa.

Umaasa din naman si Panelo na ang fact check program ng Facebook ay hind imaging armas para macensor ang mga magagandang balitang lumalabas mula sa mga magagandang programa ng administrasyon.

Facebook Comments