PAGKAKATALAGA SA BAGONG SANTO PAPA, ITURING NA BIYAYA NG DIYOS – ARCHBISHOP VILLEGAS

Biyaya ng Diyos ang pagkakaroon ng Santo Papa dahil ito ay larawan ng pagmamalasakit ng mabuting pastol, ito ang inihayag ni Archdiocese of Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas kaugnay sa pagkakatalaga kay Cardinal Robert Francis Prevost bilang bagong Santo Papa ng Simbahang Katoliko.
Sa ibinahaging mensahe ni Villegas, hindi na umano mahalaga ang nakaraan o pinagmulan ng isang tao dahil ang mahalaga ay nakita at maituturing itong biyaya mula sa Panginoon.
Hiling nito sa mga mananampalataya ang pagkakaisa, maging ang pagbibigay-tuon at pagtataguyod ng kapakanan ng mga taong nasa laylayan.
Samantala, si Pope Leo XIV ay ang ika-267th pope ng Catholic Church at ang kauna-unahang papa mula sa Estados Unidos.
Pamumunuan nito ang nasa 1.4 billion ng mga mananampalatayang Katoliko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments