Pagkakatanggal sa serbisyo ng pulis na bumaril sa mag-ina sa Tarlac, posibleng aprubahan na ni PNP Chief Debold Sinas

Posibleng aprubahan na ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Debold Sinas ang pagkakatanggal sa serbisyo ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca na bumaril at pumatay sa mag-inang Gregorio sa Paniqui, Tarlac.

Ayon kay PNP Spokesman Brigadier General Ildebrandi Usana, oras na dumating na sa tanggapan ni Sinas ang pormal na imbestigasyon sa kaso ay agad na itong malalagdaan.

Nabatid na nagpapatuloy pa rin kasi ang imbestigasyon ng PNP-IAS na siyang naatasang mangasiwa sa pagsasampa ng kasong administratibo laban kay Nuezca.


Sa ngayon, hinihikayat ng Department of Justice (DOJ) ang mga nakasaksi sa pagpatay sa mag-ina na tumestigo sa kaso.

Paliwanag ni Justice Secretary Menardo Guevarra, ang mga ito ang magsisilbing state witness na magiging gabay para mapadali ang paghatol.

Maaaring mag-apply ang mga ito sa Witness Protection Program (WPP) ng DOJ kung saan sa sandaling may nais na sumailalim ay agad isasalang sa evaluation bago mabigyan ng provisional coverage.

Facebook Comments