Pagkakataon na makapamasada muli, maituturing na malaking biyaya ng mga TODA ngayong Araw ng Kalayaan

Maulan, limitadong kita at peligro sa pamamasada, ito ang mga pagsubok na kinahaharap ng mga tricycle driver na nakausap ng DZXL Radyo Trabaho kasunod ng pag-iikot sa lungsod ng Maynila.

Sa kabila ng ganitong sitwasyon, positibo pa rin at tuloy ang laban ng mga tricycle driver para maitaguyod ang pamilya sa araw- araw na pangangailangan.

Ayon kay Benjamin David Jr., presidente ng Bam TODA sa Brgy. 321 Sta. Cruz Manila, maituturing na biyaya ang pagpayag ng gobyerno na muli silang makapamasada.


Sa ngayon kasing Araw ng Kalayaan, sila ay kumikita sa sarili at hindi na nakaabang sa ayuda ng gobyerno na hindi tiyak kung kailan darating.

Samantala, bukod sa Sta. Cruz Manila, binisita rin ng DZXL Radyo Trabaho, RMN Foundation, RMN Network Inc. at ACS Manufacuring Inc. ang Ermita, Manila kung saan namigay ang team ng mga hygiene kit sa mga tricycle driver.

Nagpapasalamat ang mga napagkalooban ng regalo dahil para sa kanila ito ay karagdagang sandata para makaiwas sa virus at iba pang uri ng sakit.

Facebook Comments