PAGKAKATAON NA SUMAGOT | P-Duterte, walang dapat ikatakot sa imbestigasyon ng ICC kaugnay sa extrajudicial killings sa bansa

Manila, Philippines – Pagkakataon na ng pamahalaan para sagutin ang mga akusasyon ibinabato laban dito kaugnay sa mga sunod-sunod na patayan sa bansa dahil sa kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga.

Ito ang sinabi ni Senator Bam Aquino, kasunod ng isasagawang imbestigasyon ng International Criminal Court sa di umano’y human rights violation sa Pilipinas.

Ayon sa senador, walang dahilan para matakot ang pangulo kung wala naman itong itinatago.


Dapat pa aniya ay ituring itong welcome opportunity ng administrasyon, dahil ang ICC ay inire- respeto ng buong mundo at kinikilala na patas.

Facebook Comments