Nananatiling buo ang integridad ng Philippine National Police (PNP) sa kabila ng pagkakaugnay ng ilang matataas na opisyal nito hinggil sa umano’y cover-up sa P6.7 bilyong halaga ng shabu.
Ito ang binigyang-diin ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Redrico Maranan.
Ayon kay Maranan, hindi sinasalamin ng nasabing kontrobersya ang buong organisasyon.
Hindi aniya pahihintulutan ng PNP ang anumang katiwalian na maaaring makaapekto sa integridad ng kanilang hanay.
Kasabay nito, ipinagmalaki ng PNP ang 15% na pagbaba ng krimen mula Enero hanggang Abril ngayong taon.
Habang nakahuli ang pambansang pulisya ng 18,927 drug personalities at nakasamsam ang P5.4 bilyong halaga ng iligal na droga.
Facebook Comments