Pagkakaugnay ni police Supt. Maria Christina Noblez sa isang miyembro ng Abu Sayyaf, ikinagulat ng AFP

Manila, Philippines – Ikinagulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagkakaugnay ni police Supt. Maria Christina Noblez sa isang miyembro ng Abu Sayyaf.

Ayon kay AFP spokesperson, Brig/Gen. Restituto Padilla – posibleng nakapagbigay ng sensitibong impormasyon si Nobleza kay Reenor Lou Dungon, ang driver at sinasabing kasintahan ng pulis.

Pero wala pa naman aniyang hinawakan si Nobleza na mga sensitibong isyu na may kaugnayan sa mga teroristang grupo matapos makumpirmang miyembro ng Abu Sayyaf si Dungon.


Dagdag pa ni Padilla – may kaugnayan din ang mga kamag-anak ni Dungon sa mga matataas na opisyal ng Abu Sayyaf Group (ASG).

Sa katunayan, naging asawa raw ng babaeng kapatid ni Dongon ang Malaysian terrorist at bomb maker na si Zukifli Binhir o alyas Marwan.

Facebook Comments