Pagkakawala ng mga mahahalagang gamit ng ilang nasawi sa Resort World attack, nabunyag sa pagdinig ng kamara

Manila, Philippines – Nabunyag sa imbestigasyon ng kamara na nawalan ng mga mahahalagang gamit ang ilang nasawi sa pag-atake sa Resorts World Manila (RWM).

Sa tantya ng RWM, nasa 300 milyong pisong halaga ng casino chips ang hindi nahahanap.

Ayon kay Surigao Del Sur 2nd District Rep. Johnny Ty Pimentel – nawalan ng alahas at pera gayundin ang laman ng bank account ang asawa ni Pampanga Rep. Dong Gonzales matapos ang insidente.


Tanong naman ni House Committee on Public Order and Safety Chairperson, Rep. Romeo Acop – kung sino ang dapat magbantay at hahawak sa mga naiwang gamit kapag may mga ganitong insidente.

Tugon naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, Chief Supt. Oscar Albayalde – nasa pangangalaga dapat ng mga imbestigador ang mga gamit ng mga biktima.

Sa kabila nito, nilinaw ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na hindi nabawasan ang interes ng publiko na mag-casino.

Facebook Comments