Pagkaladkad sa pangalan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa destabilization plot sa pamahalaan, ‘fake news’ ayon sa isang senador

“Fake news” umano ang impormasyon na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nasa likod ng umuugong na planong destabilisasyon sa pamahalaan.

Ayon kay Senator Christopher “Bong” Go, kilala niya ang dating Pangulo na hindi gagawa at hindi papasok sa ganitong mga destabilization plot.

Tiwala si Go na batid naman ng Armed Forces kung sino ang nasa likod ng plano at ang intelligence community ang nakakaalam kung talagang may kinalaman ang dating Pangulong Duterte sa pagpapakalat ng fake news.


Aniya, bilang ang dating pangulo ay isang abogado ay alam nito kung ano ang tama at mali at siya ay sumusunod sa rule of law.

Tinitiyak din ng senador na wala sa pagkatao at hindi istilo ng dating presidente ang panggugulo at malaki ang paggalang nito sa demokrasya, sa chain of command at sa kagustuhan ng taumbayan.

Apela ni Go sa mga nagpapakalat ng fake news na tigilan na ang pagsira at pagiintriga sa relasyon ng kasalukuyang administrasyon kay dating Pangulong Duterte.

Facebook Comments