Pagkalap ng ₱120 bilyon para sa MUP pension, isa sa mga prayoridad ng Kamara

Inatasan na ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang Committee on Appropriations at Ways and Means Committee na agad mangalap ng P120 bilyon ngayong taon para sa Pension Fund ng Military and Uniformed Personnel (MUP).

Diin ni Romualdez, kailangan nating alagaan ang ating tropa o mga unformed personnel dahil sila ang magpapanatili sa kaligtasan ng mamamayan at ng ating bansa.

Sabi naman ni Appropriations Committee Chairman at Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co, base sa computation nila ni House Ways ang Means Committee Chairman at Albay Rep Joey Salceda, ay aabot sa P3.6 trillion ang kailangan para matugunan ang kakulangan sa pagbibigay ng pension sa MUP sa loob ng 30 taon.


Nauna ng pinanukala ng Department of Finance (DOF) na ikaltas sa mga sahod ng uniformed personnel ang pension nila, subalit umalma ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Binanggit naman ni Congressman Co, na maaring kunin ang nasabing pondo sa mga savings ng pamahalaan at pagbabawas sa mga gastusin na hindi naman mahalaga.

Dagdag pa ni Co, pinag-aaralan nila na ipasakamay ng Government Service Insurance System ang pangangasiwa sa nasabing pondo.

Facebook Comments