Pagkalap ng ebidensiya kaugnay sa kaso ng Chinese national na tino-torture sa POGO sa Porac, Pampanga, pahirapan ayon sa PAOCC

Aminado ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na hirap silang kumalap ng ebidensya kaugnay sa umano’y namatay na Chinese National na tino-torture sa video sa POGO sa Porac, Pampanga.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni PAOCC Spokesperson Dr. Winston John Casio, patay na umano ang Chinese National na nakita sa video.

Ito aniya ang pinakahuling impormasyon na kanilang nakuha mula sa tinututukang kaso.


Hirap din silang makita pa ang katawan ng biktima dahil base aniya sa impormasyon ay na-cremate na ito.

Ayon kay Casio, ang tanging paraan para makakalap ng mas matibay na ebidensya ay kung may makapagtuturo kundi sino ang pumatay sa biktima at kung may aamin ba rito.

Nagkaroon din ng technicalities sa kanilang search warrant kaya hindi nila napasok ang mismong compound ng POGO na ino-operate ng lucky south 99 at hanggang sa labas lamang sila ngayon nakabantay.

Gayunpaman, nag-apply na aniya sila ng panibagong search warrant at ito ang hinihintay nilang maaprubahan.

Facebook Comments