Pagkalas ng Makabayan Bloc, walang problema kay Speaker Alvarez

37

Manila, Philippines – Walang problema para kay House Speaker Pantaleon Alvarez kung kumalas man ang Makabayan Bloc sa Majority Coalition sa Kamara.

Aniya, wala namang sapilitan sa pag miyembro sa mayorya man o sa minorya kaya malaya ang sinuman na umalis kung nanaisin nila.

Hindi naman na nagkomento si Alvarez kung malaking kawalan o makakaapekto sa mga isinusulong na panukala ni Duterte ang paghiwalay ng mga leftist partylist representative.

Nauna rito, sinabi ng pitong miyembro ng Makabayan na kumalas sila sa majority coalition dahil hindi inabandona ni President Rodrigo Duterte ang kaniyang polisiya na pabor sa mga mahihirap.

Facebook Comments