Pagkalas ng mga pribadong hospital sa Philhealth walang katotohanan ayon sa ahensya

Inihayag ni Philhealth President Ricardo Morales na walang katotohanan ang bantang pagkalas sa Philhealth ng abot sa 600 na ospital.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Morales na bahagi lamang ng ito ng imahinasyon ni Dr. Rustico Jimenez, pangulo ng private hospital association of the Philippines.

Nagpalabas ng advertisement sa dyaryo ang naturang grupo nagrereklamo sa pinahigpit na patakaran paniningil sa obligasyon ng Philhealth.


Aniya, mayroon man o walang lumabas na advertisement sa pahayagan patuloy naman silang nakikipag-usap para ito ay maisaasyos.

Nagi-ingat na lamang aniya sila para hindi na maulit ang pagkakamali sa nakalipas na nauwi ito sa korapsyon at pagkawala ng pondo ng Gobyerno.

Sa bagong patakaran, malalaman kung akin ang fraud o anomalya at alin ang posibleng nakalimutan lamang na i-settle na obligasyon ng ahensya.

Facebook Comments