Pagkalas ng Pilipinas sa ICC, hindi makaka-apekto sa Justice System ng bansa

Naniniwala ang Department of Justice (DOJ) na tuloy-tuloy pa rin ang pag-function ng Justice System ng bansa kahit kumalas  na ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).

 

Aniya, miyembro man o hindi ng ICC ang Pilipinas , ay patuloy pa rin ang pag-function ng mga korte  sa Pilipinas.

 

March 17, 2018 nang ihayag ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkalas sa ICC at naging epektibo ito kahapon.


 

Naging basehan ng Pangulo ang pagiging bias daw ng ilang United Nations (UN) officials, bukod sa nagagamit daw ang ICC bilang political tool laban sa kanya.

 

Sa ilalim ng Rome Statute, ang pagkalas ng isang bansa sa ICC ay epektibo isang taon matapos i-deposit ang instrument of withdrawal.

Facebook Comments