Pagkalas ni Sen. Imee Marcos sa senatorial slate ng administrasyon, hindi big deal kay PBBM

Nirerespeto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang naging desisyon ni Sen. Imee Marcos na kumalas sa senatorial slate ng administrasyon.

Sa ambush interview sa Tarlac, sinabi ng pangulo na ang pagtakbo ng kaniyang kapatid bilang independent candidate ay magbibigay ng kalayaan kay Sen. Imee na gumawa ng sariling schedule sa kampanya at wala itong problema sa kaniya.

Pero sabi ng pangulo, bukas pa rin ang Alyansa para sa Bagong Pilipinas kung gustuhin ng senadora na dumalo sa kanilang campaign sorties.


Tiniyak pa ng Pangulo na mananatiling nakasuporta ang alyansa para sa kandidatura ng kaniyang kapatid.

Matatandaang ilang araw lamang matapos i-anunsyo ang senatorial line-up ng administrasyon, sinabi ni Sen. Imee Marcos na nais niyang tumakbo bilang independent candidate para tularan ang kaniyang amang si dating Pangulo Ferdinand Marcos Sr. na tumindig nang malaya at matatag at walang ibang alyansa kundi ang mga Pilipino

Facebook Comments