Pagkalas ni VP Sara sa gabinete ni PBBM, nirerespeto ng liderato ng Kamara

Nirerespeto ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pagkalas ni Vice President Sara Duterte sa gabinete ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., matapos siyang magbitiw bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

Nabanggit ni Romualdez na matapos ang 2022 elections ay naging limitado na ng interactions o pagkakasalamuha nila ni VP Sara dahil sa magkahiwalay nilang trabaho na ginagampanan.

Kasabay nito ay sinabi rin ni Romualdez na hangad nya ang “the best” para kay VP Sara at matagumpay nitong pagsisilbi sa mamamayang Pilipino.


Facebook Comments