Pagkalat ng ASF, bumagal sa loob ng lockdown

Bumagal ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa mga alagang baboy mula nang ipatupad ang lockdown para mapigilan naman ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon kay Bureau of Animal Industry (BAI) Officer-in-Charge Director Ronnie Domingo, bumaba ang ASF cases ng 69% o 20 kaso sa kada milyong baboy nang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa kalagitnaan ng Marso.

Mababa kumpara sa 63 kaso kada milyong baboy noong Agosto 2019 kung saan unang naitala ang ASF outbreak sa bansa.


Ang mahigpit na travel restrictions ay nakatulong sa pagkontrol ng local transmission ng hog virus.

Pero umaabot na sa 297,287 na baboy ang pinatay.

Lumabas din sa datos na ang ASF ay nakaapekto sa walong rehiyon sa bansa, 223 siyudad at munisipalidad, 25 probinsya, at 967 na barangay.

Sa ngayon, pinag-aaralan ng Department of Agriculture (DA) na itaas ang Suggested Retail Price (SRP) sa karneng baboy bunsod ng pagtaas ng production cost.

Facebook Comments