Pagkalat ng COVID-19 sa pamamagitan ng hangin, walang sapat na ebidensya ayon sa DOH

Tinabla ng Department of Health (DOH) ang ulat na naikakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng hangin o airborne transmission.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, walang matibay at sapat na ebidensya na nagpapatunay na pwedeng maipasa ang virus sa pamamagitan ng hangin.

Mananatili aniya ang DOH sa kanilang obserbasyon na ang COVID-19 ay naipapasa lamang sa pamamagitan ng respiratory droplets.


Iginiit ni Vergeire na maaari pa ring makuha ng tao ang virus sa maraming paraan kahit mayroong mahigpit na pagsunod sa health measures kaya paulit-ulit na nagpapaalala at pinag-iingat ng DOH ang publiko hinggil sa sakit.

Nabatid na nasa 239 scientist sa 32 bansa ang nagsasabing naipapasa ang COVID-19 mula sa mga maliliit na particles sa hangin.

Facebook Comments