Pagkalat ng mga kaso ng COVID-19 sa Cebu at Iloilo, bumilis – OCTA Research

Nagbabala ang OCTA Research team sa mabilis na pagkalat ng COVID-19 sa Cebu Province.

Ayon kay OCTA Research Professor Ranjit Rye, pumalo ang r-naught o reproduction rate sa Cebu sa 1.61 na nangangahulugang mabilis na kumakalat ang virus.

Aniya, umabot naman sa average 147 ang mga naitatalang mga bagong kaso ng COVID-19 kada araw.


Bukod sa Cebu, sinabi ni Rye na may pagtaas din ng kaso ng COVID-19 sa Iloilo pero stable pa ang attack at positivity rate sa lalawigan na nasa below 5.

Muli namang nagpaalala si Rye na patuloy na sumunod sa mga health protocol lalo na’t nakapasok na sa bansa nag bagong variant ng COVID-19.

Facebook Comments