Binalaan ng Department of Health (DOH) ang publiko hinggil sa mga pekeng gamot sa COVID-19 tulad ng Molnupiravir.
Ayon sa DOH, ang Molnupiravir ay isang oral medication para sa mga pasyenteng may mild symptoms ng COVID-19 at nasa edad 60 pataas, may active cancer, chronic kidney disease, chronic obstructive pulmonary disease, obesity, serious heart condition o diabetes.
Anila, ang hindi tamang pag-inom nito ay magdudulot ng panganib lalo na sa maling target population o mga pasyenteng walang COVID-19.
Wala rin anilang garantiya na ang mga nabibili o nabebentang Mulnopiravir sa mga hindi awtorisadong mapagkukunan ay ‘genuine’ kung saan maari itong makapagdulot ng panganib sa mga konsyumer.
Nauna nang binigyan ng Food and Drug Administration (FDA) ng Emergency Use Authorization (EUA) at Compassionate Special Permit (CSP) ang Molnupiravir.