Pagkalat ng sakit kabilang ng ASF sa panahon ng bagyo, kasama sa pinaghahandaan ng Task Force La Niña

Pinaghahandaan na rin ng Task Force La Niña ang posibleng pagkalat ng sakit sa tao at maging sa hayop sa panahon ng bagyo at malawakang pagbaha.

Ayon kay Task Force La Niña Spokesperson Joey Villarama, kanilang tututukan ang posibleng epekto ng La Niña sa pagkalat ng African Swine Fever (ASF).

Aniya, tatalakayin nila ang mga gagawang paghahanda ng pamahalaan bago pa ang panahon ng La Niña.


Una nang sinabi ng Department of Agriculture (DA), na ang Bagyong Carina at pagbaha ang isa sa tinitingnang dahilan sa pagkalat ng ASF sa Batangas.

Ayon sa Task Force, batay sa datos ng PAGASA, ang La Niña ay posibleng maramdaman na mula sa susunod na mga buwan.

Facebook Comments