PAGKALAT NG VARIANTS OF CONCERN SA ILOCOS REGION, NAPIGILAN

Napigilan ang pagkalat ng variants of concern sa Region 1 ayon sa Department of Health-Center for Health Development 1(DOH-CHD1) Sinabi ni Dr. Rheuel Bobis, Covid-19 focal person, nanatiling nasa 367 ang bilang ng variants of concern sa rehiyon.

Sa nasabing nabilang 104 dito ang Alpha, 83 sa beta, tatlo sa P. 3 at pinakamarami ang delta na mayroong 177.

Aniya, patuloy na nagpapadala ang DOH-CHD1 ng samples sa Philippine Genome Center ngunit wala umanong nagpopositibo sa mga nasabing variants of concern.


Samantala, sa ngayon wala na umanong aktibong variants of concern sa rehiyon kung saan 342 ang gumaling at 25 ang nasawi. ###

Facebook Comments