Pagkalat sa bansa ng ‘satanic rosaries’, nilinaw ng CBCP

Manila, Philippines – Nilinaw ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang umano’y panawagan ng CBCP sa publiko hinggil sa pagkalat sa bansa ng ‘satanic rosaries’ na may basbas umano ng mga satanista.

Ayon kay Archbicshop Emeritus Oscar Cruz – hindi galing sa kanila ang balitang ito.

Hindi rin anya ito matatawag na “satanic rosary” kundi, isa itong “amulet” anting-anting o mga pangontra sa masasamang espiritu.


Kwento pa nito, isang pari sa Novaliches ang nagpalabas ng ganitong balita at maaring mali lamang ang pag-unawa niya sa bagay na ito.

Paalala naman ng arsobispo, huwag basta-basta maniwala ang publiko sa mga ganitong balitang.

Facebook Comments