Pagkalugi ng GSIS at kwestyunableng investment, pinapa-imbestigahan sa Kamara

Pinapa-imbestigahan ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Representative Antonio Tinio sa Kamara ang umano’y pagkalugi ng Government Service Insurance System o GSIS ng P8.8 billion.

Pinapasilip ni Tinio ang kwestyunableng mga investement ng GSIS na naglagay umano sa panganib ng retirement ng 2.6 million na mga empleyado ng gobyerno, kasama ang mga guro sa mga pampublikong paaralan.

Giit ni Tinio, hindi dapat pinapayagan na isugal ng GSIS sa kaduda-duda at hindi pinag-aralang pamumuhunan ang perang pinaghirapan ng mga guro, nurse, at iba pang manggagawa sa pamahalaan.

Sa tingin ni Tinio, malubha na ang problema sa GSIS dahil mismong mga board member nito, kasama ang mga namumuno sa legal, risk, at audit oversight, ang humihingi na ng resignation ni GSIS President and General Manager Jose Arnulfo “Wick” Veloso.

Facebook Comments