Manila, Philippines – Umabot sa dalawamput lima (25) ang patay habang limamput anim (56) ang sugatan sa katatapos lang na paggunita ng Semana Santa.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) karamihan sa mga naitala ay dahil sa pagkalunod at aksidente sa kalsada nitong Huwebes at Biyernes Santo.
Labing apat ang naitalang nalunod sa Cagayan Valley, Calabarzon, Mimaropa at Cordillera autonomous region.
Labing dalawa naman ang naitalang aksidente sa Ilocos, Calabarzon at CAR.
Samantala, kahit Semana Santa, tuloy ang anti-illegal drug campaign ng Philippine National Police (pnp).
Pito ang patay habang 811 ang naaresto ng PNP kung saan karamihan sa mga naaresto ay mula sa NCR, Region 3, Region 4-a, Region 12, at ARMM.
Facebook Comments