Pagkamatay dahil sa sakit sa puso at baga, posibleng tumaas pa – eksperto

Posibleng tumaas pa ang bilang ng mga Pilipinong namamatay dahil sa heart at respiratory illnesses sa mga susunod na panahon.

Ayon kay health expert at National Panel of Technical Experts advising the Climate Change Commission member Ramon Lorenzo Luis Guinto, malaki ang tiyansang mangyari ito kung mabibigo ang gobyerno na mabawasan ang epektong dulot ng climate change.

Paliwanag nito, ang pagtaas ng temperatura ay maaaring magpalakas ng heat volume na pwedeng magresulta ng stroke lalo na sa matatanda.


Habang ang nararanasang air-pollution naman ay posibleng maging sanhi ng respiratory ailments.

Dahil dito, nanawagan si Guinto sa gobyerno na tingnan na ang climate change bilang public health issue dahil sa epekto nito sa kalusugan ng mga Pilipino.

Facebook Comments