Kinumpirma ng Department of Agriculture Region 1 na nagpositibo sa African Swine Flu o ASF ang mga nakuhang blood samples sa tatlumpong baboy na namatay sa isang piggery sa Brgy. Apalen, Bayambang Pangasinan.
Ayon kay Department of Agriculture Region 1 Executive Director Lucrecion Alviar, ang bayan ng Bayambang ay hindi sakop ng 10 kilometer radius ng Baloling Mapandan kung saan dinala ang mga naunang baboy na galing sa Bulacan na positibo sa ASF.
Inatasan na ng Povincial Government ng Pangasinan ang Task Force ASF na gumawa ng aksyon at upang matigil na ang pagkalat ng ASF virus sa kalapit na lugar.
Samantala, nagnegatibo naman sa ASF ang mga lugar na sakop ng 7 kilometer radius mula sa Baloling Mapandan Pangasinan.
Sa ngayon ay kinatay na ang mga natitirang baboy sa naturang piggery farm upang hindi kumalat pa ang virus.
Pagkamatay ng 30 baboy sa Bayambang Pangasinan positibo sa ASF
Facebook Comments