Pagkamatay ng aabot sa 54 abogado sa Pilipinas, pinapa-aksyunan ng IBP kay Pangulong Rodrigo Duterte at VP Leni Robredo

Hinikayat ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo na gumawa na ng aksyon sa pagkamatay ng aabot sa 54 abogado sa Pilipinas simula nang maupo sa pwesto si Pangulong Duterte noong 2016.

Ayon sa IBP, nakapagsumite na sila ng apela kay Pangulong Duterte at Robredo kasunod ng kumpirmasyon ng pagkamatay ni dating Court of Appeals Justice Normandie Pizarro.

Kalakip ng sulat, hindi lamang ang hustisya sa mga nabaong kaso kundi maging ang respeto sa mga naiwang pamilya ng mga ito.


Kasabay nito, umapela si Chief Justice Diosdado Peralta sa law enforcement agencies ng malalimang imbestigasyon sa pagpatay kay Pizarro.

Marapat lang kasi aniya na ipagpatuloy at panagutin ang mga taong nasa likod ng krimen dahil hindi kukunsintihin ng mga umiiral na batas ang anumang uri ng pagpatay.

Sa ngayon, nagpahayag din ang mga korte sa bansa ng mariing pagkondena sa mga kaso ng pagpatay.

Facebook Comments