Pagkamatay ng elepanteng si Mali, ipinaliwanag ng Manila LGU

Ipinaliwang ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang naging dahilan ng pagkamatay ng nag-iisang elepante ng bansa na si Mali.

Sa isinagawang presscon sa Manila Zoo, sinabi ni Dr. Heinrich Patrick “Chip” Pena-Domingo, lumalabas sa necropsy ma congestive heart failure ang naging pagkamatay ni Mali.

Aniya, marami sa organs ni Mali ang nagkaroon ng problema dahil na rin sa edad nito.


Dagdag pa ni Dr. Domingo, lumalabas rin sa naging resulta ng necropsy na nagkaroon ng cancer si Mali.

Sinabi naman ni Mayor Honey Lacuna, 11 months pa lamang si Mali nang dalhin sa Maynila kung saan 1981 naman ito nang ibigay ng Sri Lanka sa Pilipinas.

Nabatid na nasa edad 43-anyos na si Mali at muling iginiit ni Mayor Lacuna na hindi nagpabaya ang Manila Zoo sa naging kalagayan ng nasabing elepante.

Sa katunayan, naka-monitor sa anumang oras ang dalawang caretaker ni Mali habang sinibukan rin ng Manila LGU na magkaroon siya ng makakasama.

Sa ngayon, gumagawa na paraan ang lokal na pamahalaan ng Maynila para makakuha ng ipapalit kay Maali habang plano namang i-reserve ang mga labi nito para sa kaniyang alaala.

Facebook Comments