Pagkamatay ng high-profile inmate na si Jaybee Sebastian, walang epekto sa kaso ni Senator Leila De Lima ayon sa DOJ

Walang magiging epekto sa pagpapatuloy ng kaso ni Senadora Leila De Lima ang pagkamatay ng high-profile inmate na si Jaybee Sebastian.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, bagama’t si Sebastian ang itinuturing na star witness sa mga kaso ni Senator De Lima, hindi ito magiging dahilan ng pagtigil ng imbestigasyon.

Patuloy din aniya ang mga kaso laban kay De Lima, patay man o buhay si Sebastian.


Magugunitang kinumpirma ng Bureau of Corrections (BuCor) sa DOJ ang pagkamatay ni Sebastian dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at agad na nacremate ang labi nito.

Facebook Comments