Pagkamatay ng ilang abogado, hindi dapat isisi sa Pangulo – DOJ

Hindi dapat ibunton kay Pangulong Rodrigo Duterte ang sisi sa pagtaas ng bilang ng mga abogadong napapatay sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Paalala ni Justice Secretary Menardo Guevarra, isa ring abogado si Pangulong Duterte at hindi niya hahayaang magkaroon ng polisiya na malalagay sa alanganin ang buhay at propesyon ng mga abogado.

Iginiit ni Guevarra na talagang nangyayari ang mga pagpatay sa mga abogado kahit sino pa ang pinuno ng administrasyon.


Dagdag pa ng kalihim, ang legal profession ay may kadikit na panganib.

Maraming kaso ang hinahawakan ang mga abogado kabilang ang may kinalaman sa ilegal na droga, terorismo, corruption at election cases.

Ang pahayag ni Guevarra ay tugon sa datos ng Free Legal Assistance Group (FLAG) na aabot na sa 61 abogado ang napatay sa bansa mula noong August 2016.

Facebook Comments