Pagkamatay ng isang lalake sa Mariveles, Bataan, hindi dahil sa stray bullet

Nilinaw ng Philippine National Police (PNP), na hindi stray bullet o ligaw na bala ang dahilan pagkamatay ng isang lalaki sa Mariveles, Bataan.

Batay ito sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya.

Ayon kay PNP Public Information Office chief Col. Jean Fajardo, umamin ang isa sa apat na kainuman ng biktima na aksidente nya itong nabaril noong pagsalubong ng bagong taon.


Isinailalim na sa inquest proceedings ang suspek habang ang tatlo pang kasama nito ay mahaharap din sa kaukulang kaso dahil sa pagtangkang pagtakpan ang insidente at palabasin na dahil sa ligaw na bala ang pagkamatay ng biktima.

Sa kabuuan, mayroong naitalang 13 stray bullet incidents ang PNP habang 12 kabilang ang isang pulis ang injured.

Facebook Comments