Pagkamatay ng isang lalaking may autism matapos mabaril ng pulis, iniimbestigahan na ng NBI

Magsasagawa na ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigastion (NBI) kaugnay sa pagkamatay ng isang 18 anyos na lalaking may autism matapos umanong barilin ng isang pulis sa isang ilegal na tupadahan sa Valenzuela City.

Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, dumating na kaninang ala-1 ng hapon ang mga imbestigador ng NBI para kausapin ang pamilya ni Erwin Arnigo, ang biktimang nasawi sa insidente.

Iginiit naman ng magulang ni Arnigo na wala sa tupadahan ang kanilang anak nang barilin ng mga pulis dahil malapit lamang ito sa Homeowners’ Association Office.


Habang hindi rin anila agad naitakbo sa ospital si Erwin dahil hinarangan ng mga pulis ang ama nito at kapatid na sasaklolo sana sa biktima.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Valenzuela Chief of Police ang lahat ng pulis na sangkot sa insidente upang pagpaliwanagin sa nangyari.

Facebook Comments