Pagkamatay ng mga high-profile inmates dahil sa COVID-19, pinagdududahan ng isang kongresista; imbestigasyon dito, ipinanawagan

Duda ang isang mambabatas sa sunud-sunod na pagkamatay ng mga high-profile inmates sa bilibid dahil sa COVID-19.

Ayon kay Assistant Majority Leader Niña Taduran, napakagaling naman na mamili ng virus ng mga inmates na tatamaan ng sakit sa harap na rin ng pagkasawi ng New Bilibid Prison (NBP) high-profile inmate na si Jaybee Sebastian na sangkot sa illegal drug trade sa loob ng kulungan at sa kaso ni Senator Leila de Lima.

Nanawagan si Taduran ng imbestigasyon sa nangyari partikular sa siyam na high-profile inmates na nasawi sa virus.


Nagtataka ang kongresista na agad na-cremate ang mga bilanggo na wala man lamang ibang detalye na ibinibigay.

Dahil dito, hiniling ng lady solon ang buong medical report ni Sebastian mula sa unang araw na ito ay nagka-COVID-19.

Sakali mang may iregularidad ay kailangan aniyang mapanagot ang mga nasa likod nito.

Facebook Comments