Pagkamatay ng mga lider ISIS-Maute, hudyat ng pagtatapos ng digmaan sa Marawi – obispo

Marawi City – Kumpiyansa ang isang obispo ng Simbahang Katolika na ang pagkamatay ng mga lider ng ISIS-Maute ay palatandaan ng pagtatapos ng digmaan sa Marawi City.

Ayon kay Marawi Bishop Edwin Dela Peña, welcome development ang ulat hinggil sa pagkamatay nina Isnilon Hapilon at Omar Maute sa patuloy na digmaan sa Marawi City na inaasahang magtatapos ng labanan na umaabot na sa higit limang buwan.

Paliwanag pa ng obispo na ang pagkawala ng liderato ng mga nabanggit na terorista ay hudyat na pagtatapos ng giyera sa lungsod.


Una na ring nagpahayag ang Obispo na hindi pa ganap ang kanilang kagalakan lalu’t hindi pa natatapos ang digmaan at dalawa pa sa manggagawa ng St. Mary’s Cathedral ang nanatiling hawak ng mga bandido.

Umaasa rin si Bishop Dela Peña na matatapos na ang digmaan upang masimulan na ang rehabiltasyon ng lungsod at makabalik na rin ang mga nagsilikas sa kanilang tahanan.

Naniniwala rin si Bishop Dela Peña na ang digmaan at kaguluhan ang isa sa dahilan kung bakit maraming lugar sa Mindanao Region ang nanatiling mahirap.

Facebook Comments