Pagkamatay ng senior citizen habang nakapila sa community pantry ni Angel Locsin, maaaring imbestigahan ng NBI

Maaaring magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pagkamatay ng isang senior citizen habang nagkapila sa community pantry ng aktres na si Angel Locsin sa Quezon City.

Nabatid na nahimatay sa pils si Rolando Dela Cruz, 67-taong gulang habang nakapila pero idineklarang dead-on-arrival sa ospital noong April 23.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, hindi na niya kailangang maglabas ng kautusan para dito.


Tumanggi ang kalihim kung sino ang dapat managot sa pagkamatay ni Dela Cruz.

Una nang inako ni Angel ang pangayayari at nangakong tutulungan ang naulilang pamilya ni Dela Cruz.

Facebook Comments