Manila, Philippines – Iimbestigahan na rin ng Senado ang kaso ng pagkamatay ng UST law student na si Horacio Castillo III dahil sa hazing.
Kinondena ni Senador Juan Miguel “Migz” Zubiri ang pahirap na ginawa ng Aegis Juris Fraternity sa biktima.
Binatikos din niya ang ginawang pagsuspinde ni Civil Law Dean Nilo Divina sa mga miyembro ng fraternity na isa sa mga dahilan kaya nahihirapang mag-imbestiga ang mga pulis.
Hamon ng Senador, makipagtulungan sa imbestigasyon si Divina at ang buong faculty member ng UST-Civil Law.
Kasabay nito, inihain nila ni Senador Win Gatchalian ang senate bill no. 1591 na layong ipagbawal na ang hazing sa bansa.
Itinakda ang unang pagdinig sa kaso sa Lunes.
Facebook Comments