Pagkamatay ni 4th Class Cadet Darwin Dormitorio, pinaiimbestigahan ng Kamara

Pinaiimbestigahan na sa Kamara ang insidente ng pagkamatay ni 4th Class Cadet Darwin Dormitorio ng Philippine Military Academy.

Naghain ng dalawang magkahiwalay na resolusyon sina Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin at ACT-CIS Reps. Nina Taduran, Eric Yap at Josephine Tulfo na layong siyasatin “in aid of legislation” ang pagkamatay ng kadete dahil sa hazing.

Partikular na pinasisilip ni Garbin, na isa ring may-akda ng Anti-Hazing Act of 2018”, ang umiiral na protocols sa PMA at sa PMA Cadet Corps.


Ang resulta aniya ng pagkamatay ni Dormitorio ay patunay ng kawalan ng ‘humanity’ sa mga kadete.

Para naman kay Taduran, nais nilang alamin kung bakit hinahayaan ng mga opisyal ng PMA na manatili sa kultura ang hazing.

Giit pa ni Taduran, malinaw na krimen ang hazing dahil sa karahasan, pananakit at pagpapahirap sa mga kadete na nauuwi pa sa pagkamatay kaya hindi dapat basta na lamang manahimik dito.

Ipapatawag din sa gagawing imbestigasyon ang mga magulang, mga kadeteng sangkot at maging ang mga matataas na opisyal ng PMA.

Hinihiling din sa mga resolusyon ang pagpaparusa sa mga opisyal ng PMA na nagpabaya sa kaso ni Dormitorio.

Pinaiimbestigahan na sa Kamara ang insidente ng pagkamatay ni 4th Class Cadet Darwin Dormitorio ng Philippine Military Academy.

Naghain ng dalawang magkahiwalay na resolusyon sina Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin at ACT-CIS Reps. Nina Taduran, Eric Yap at Josephine Tulfo na layong siyasatin “in aid of legislation” ang pagkamatay ng kadete dahil sa hazing.

Partikular na pinasisilip ni Garbin, na isa ring may-akda ng Anti-Hazing Act of 2018”, ang umiiral na protocols sa PMA at sa PMA Cadet Corps.

Ang resulta aniya ng pagkamatay ni Dormitorio ay patunay ng kawalan ng ‘humanity’ sa mga kadete.

Para naman kay Taduran, nais nilang alamin kung bakit hinahayaan ng mga opisyal ng PMA na manatili sa kultura ang hazing.

Giit pa ni Taduran malinaw na krimen ang hazing dahil sa karahasan, pananakit at pagpapahirap sa mga kadete na nauuwi pa sa pagkamatay kaya hindi dapat basta na lamang manahimik dito.

Ipapatawag din sa gagawing imbestigasyon ang mga magulang, mga kadeteng sangkot at maging ang mga matataas na opisyal ng PMA.

Hinihiling din sa mga resolusyon ang pagpaparusa sa mga opisyal ng PMA na nagpabaya sa kaso ni Dormitorio.

Facebook Comments