Pagkamatay ni Cabral, tiyak makakaapekto sa imbestigasyon ukol sa flood control scandal

Nangangamba si House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila de Lima na malaki ang posibleng maging epekto ng pagkamatay ni dating DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral sa imbestigasyon ukol sa maanomalyang flood control projects.

Ayon kay De Lima, ito ay dahil maaring idiin ng lang si Cabral bilang mastermind ng flood control scandal.

Sabi ni De Lima, maaring mabilis na ring kumikilos ang mastermind o mga mastermind at sindikato para makalusot sa pandarambong gamit ang pagpanaw ni Cabral.

Bunsod nito ay iginiit ni De Lima sa mga awtoridad lalo na sa National Bureau of Investigation na laliman ang imbestigasyon sa pagkamtay ni Cabral upang maalis ang mga pagdududa sa insidente.

Mungkahi ni De Lima sa mga otoridad, bilisan ang pagkuha ng seizure warrant upang makuha ang mga mahalagang mga dokumento at iba pang gamit na may kaunayan sa korapsyon sa flood control projects.

Facebook Comments