Sumisimbolo nang paghina ng pwersa at herarkiya ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDF) ang pagkamatay ni Communist Party founding chairman Jose Maria Sison.
Ayon kay Department of National Defense (DND) Spokesperson Arsenio Andong, si Sison ang responsable sa pagkamatay ng marami nating mga kababayan kabilang ang mga sundalo, pulis at mga sibilyan dahil sa mali nitong ideyolohiya na ipinalalaganap lalo na sa mga liblib na lugar sa bansa.
Kasunod nito, patuloy na panawagan ng pamahalaan sa mga taga-suporta ni Sison na magbalik-loob na sa pamahalaan at iwanan na ang madugong pakiki-baka.
Sinabi pa nito ang limang dekada nang brutal at pakiki-paglaban sa gobyerno sa ilalim ng pamumuno ni Sison ay walang mabuting naidulot bagkus ang pagkakawatak-watak at pagkalagas ng buhay ng ilan nating mga kababayan.
Paliwanag pa ni Andong, ngayong wala na si Sison nawa’y magkaisa ang bawat Pilipino tungo sa mapayapang bansa.