Manila, Philippines – Naging instrumento ng Diyos si Gerardo Maquidato Jr. para mabuksan ang isip ng TNVS na Grab na maglagay ng sistema sa seguridad ng kanilang partner drivers.
Ito ang pagninilay ni Rexmer Solitario, pamangkin ni Gerardo at tagapagsalita ng pamilya.
Aniya, nabigyan ng kabuluhan ang kamatayan ng model Grab driver na itinanghal na good samaritan.
Masyadong maluwag ang pag-screen sa mga pasahero. Matagal nang inirerekomenda sa Grab na magpatupad ng ID system ng mga pasahero.
Kabilang sa mga dumagsang nakiramay sa burol sa chapel ng Immaculate Heart of Mary Parish Church, Mahinhin St. Teacher’s Village Quezon City ay mga Grab at UBER drivers na nag-ambag ambag ng tulong pinansyal.
Emosyonal ang apat na mga anak ni Gerardo. Ang 16-anyos na panganay at 4 na taon na bunso dahil ngayong araw ay birthday o araw ng kapanganakan ng ama.
Dito sa Claret Chapel siya ibinurol dahil sampung taon din na nag care giver o nag alaga ng mga may sakit na pari o Claretian Fathers si Gerardo. Likas na sa pagkatao nito na maging matulungin.