Pagkamatay ni Jaybee Sebastian, hindi natalakay sa cabinet meeting ayon sa Palasyo

Nilinaw ng MalacaƱang na hindi natalakay sa Cabinet Meeting kasama si Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkamatay ng high-profile inmate na si Jaybee Sebastian.

Nabatid na kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) ang pagkamatay ni Sebastian pagkatapos tumanggi si Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag na pangalanan ang mga inmates na namatay sa COVID-19 dahil sa Data Privacy Act.

Pero ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kailangan pa ring ilagay sa record ang pagkamatay ng mga inmate.


Naniniwala ang Palasyo na hindi ito sakop ng Data Privacy Law dahil namatay ang mga ito hindi lamang sa COVID-19 kundi namatay rin ang mga ito habang nasa kustodiya ng National Penitentiary.

Facebook Comments