Manila, Philippines – Kinumpirma ng Commission on Human Rights na nagsasagawa na sila ng imbestigayon kaugnay sa pagkamatay ni Ozamis Mayor Reynaldo Parojinog Sr. at 14 na iba pa kabilang ang misis nito.
Kung maalala naging madugo ang nangyaring operation ng CIDG Region 10 laban sa alkalde ng Ozamis na una ng pinangalanan ni Pangulong Rodrigo duterte na sangkot sa iligal na droga.
Ayon kay CHR spokesperson atty. Jacqueline De Guia, may nakalap na mga impormayon ang kanilang regional office na makaktulong sa imbistigayon.
Aniya layon nito na masiguro na walang nalabag sa karapatang pantao at hindi lumabis sa kapagyarihan ang grupo ni espinido lalo’t nawawala aniya ang CCTV.
Dagdag pa ng opisyal makakatulong ang kanilang imbistigasyon para malinis ang pangalan ng mga pulis kung talagang sumunod ang mga ito sa tamang proseso.
Hanggang sa huli nilinaw ng CHR na hindi sila kakampi ng mga suspek at giniit na trabaho lang nila na masigurong na hindi aabuso sa kapangyarihan ang mga owtoridad.