Inatasan na ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pagkamatay sa COVID-19 ng Bilibid drug convicts kabilang na si Jaybee Sebastian.
Isang department order ang pinalabas ni Sec. Guevarra na nag-aatas sa NBI para sa naturang imbestigasyon.
Tiniyak naman ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag na bukas siya sa gagawing imbestigasyon ng NBI.
Tumanggi naman si Bantag na idetalye ang naging pagpupulong nila ni Sec. Guevarra pero may hamon ito sa mga duda sa pagkamatay ni Jaybee Sebastian na maglabas ng ebidensya
Si Bantag ay ipinatawag ni Sec. Guevarra sa kanyang tanggapan matapos ang pagkamatay ng siyam na Bilibid inmates kasama na si Sebastian.
Sinagot din ni Bantag ang isyu ng Data Privacy Act at kung bakit hindi nila inilalabas ang data ng mga namatay sa loob ng New Bilibid Prisons.
Aniya, sila na mismo ang nagdesisyon na huwag ilabas ang data para sa kaligtasan ng pamilya ng mga namatay na inmate.