Manila, Philippines – Kinuwestyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pagsisilbi ng search warrant sa bahay ng pamilya Parojinog ng madaling araw.
Nakakapagtaka, ayon kay Drilon na kapareho ito sa madaling araw din na pagsisilbi ng search warrant kay dating Albuera Mayor Rolando Espinosa habang nakaditine sa Baybay Subprovincial Jail.
Sa nabanggit na pagsisilbi ng search warrant ay parehong napatay sina Espinosa, gayundin ang ilang miyembro ng pamilya Parojinog at ilang pang indibidwal.
Diin pa ni Drilon, sila espinosa at Ozamis City Mayor Reynaldo Aldong Parojinog ay pareho din na nasa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga politikong sangkot umano sa iligal na droga.
Paliwanag ni Senator Drilon, malinaw sa nakasaad sa sec 9, rule 126, ng rules of court na ang search warrant ay dapat isilbi sa araw.
Kung ito ay gagawin sa gabi, dapat ay isinasaad ito ng malinaw ng judge o Huwes sa inilabas niyang search warrant.
“Why are search warrants, served before dawn as in the cases of mayor Espinosa and now, mayor Parojinog, result in the deaths of the persons being searched? Both are tagged as drug lords. Too much of a coincidence? ” pahayag ni Senator Drilon.