PAGKAMIT NG 70-80% HERD IMMUNITY SA LALAWIGAN NG PANGASINAN, INAASAHAN NG PHO

LINGAYEN, PANGASINAN – Malaki ang paniniwala ng Pangasinan Provincial Health Office na maaabot ang herd immunity sa buong lalawigan dahil sa patuloy ng pag-usad ng mga LGUs sa pagbabakuna.

Sa isang tawag ng iFM Dagupan kay Doc. Anna Maria De Guzman, PHO Chief, sinabi nitong malaki umano ang tsansang makakamit ang nasa 70-80% herd immunity o nasa 1.9-milyong indibidwal ang inaasahang mababakunahan sa lalawigan dahil sa patuloy na pagbabakuna sa lahat ng mga residente.

Ito ay dahil na rin sa patuloy na pagdating ng mga bakunang donasyon na nanggagaling sa COVAX facility at sa lahat ng mga binibili ng pamahalaan upang maiturok sa publiko.


Samantala, nagpapanawagan naman ang PHO na sana ay makipagtulungan at magpabakuna na upang tuluyang makamit ang inaasahang herd immunity bago matapos ang taon.

Facebook Comments